0 Meanings
Add Yours
Follow
Share
Q&A

Lakambini Lyrics

Kung ito na ang huli kong liham,
ayoko syang masayang
sa isang paalam,
sa isang paalam

Dahil ako ay mabubuhay
sa 'yong mga alaala
at sa puso mo,
diwa ko'y titira

'di mo na ako kailangang hanapin pa
pikit ka lang sinta, ako ay nar'yan na

Sa buhay mang ito
o sa kabilang mundo,
hangga't may pag-asang dumadaloy
sa akin at sa'yo

hangga't pag-ibig ay panig sa atin,
kumagat man ang dilim,
'wag mangamba
dahil liwanag tayo ng isa't isa

O lakambini ko,
buhay ng buhay ko,
s'an ka man patungo,
dalhin mo ako

O 'wag ka nang matakot
mundo'y hayaan mong umikot
darating din ang
panahon ng hinahon

at 'di mo na ako kailangang hanapin pa
pikit ka lang sinta, ako ay nar'yan na

sa buhay mang ito
o sa kabilang mundo,
hangga't may pag-asang dumadaloy
sa akin at sa'yo

hangga't pag-ibig ay panig sa atin,
kumagat man ang dilim,
'wag mangamba
dahil liwanag tayo ng isa't isa

sa buhay mang ito
o sa kabilang mundo,
hangga't may pag-asang dumadaloy
sa akin at sa'yo

hangga't pag-ibig ay panig sa atin,
kumagat man ang dilim,
'wag mangamba
dahil liwanag tayo ng isa't isa

Liwanag
Song Info
Submitted by
keepcheese On Nov 19, 2018
0 Meanings

Add your song meanings, interpretations, facts, memories & more to the community.

Add your thoughts...
Questions and Answers

Ask specific questions and get answers to unlock more indepth meanings & facts.

Ask a question...