Butanding, butanding
Pinakamalaking
Isda sa mundo
Nakita ko

Sa Bikol, sa Donsol, ako ay nagpunta
Pagbaba ng bus, lumipat sa bangka
Pagdating sa laot, sa laot tumalon
At doon ko siya unang nakita
Muntik kong maapakan higanteng nagdaan
Malapad pa ang ulo sa bangka
Walong puno ng N’yog ang kanyang kabilugan
At ang haba niya ay anim na dipa

Butanding, butanding
Pinakamalaking
Isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y
Makita mo

Sa lawak ng bibig nito ako ay kasyang-kasya
Buti at katas ng dagat lang ang kinakain niya
Maliliit na hayop ang kanyang sinasala
Kaya pala laging nakanganga
Kung ako si butanding, ayokong lunukin
Mga goma, bubog, plastik at lata
Katas mula sa mina at tambak ng panapon
Ayokong lunukin, ayokong malason

Butanding, butanding
Pinakamalaking
Isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y
Makita mo

Paalam butanding
Hanggang sa muling pagtatagpo
Ingat kayo
Paguwi sa amin
Ay ipagmamalaking
Nagkatagpo tayo


Lyrics submitted by VintageRockstar

Butanding song meanings
Add your thoughts

No Comments

sort form View by:
  • No Comments

Add your thoughts

Log in now to tell us what you think this song means.

Don’t have an account? Create an account with SongMeanings to post comments, submit lyrics, and more. It’s super easy, we promise!

Back to top
explain